Life Story, Life's Lesson Part1

Ang istoryang ito ay isang pribadong storya ng mga kinauukulan. Binahagi ng isang kaibigan sa akin. Hindi ko sinasabi ang mga pangalan para sa kapakan ng mga taong nasasangkot. Gusto kong ibahagi ito para kapulutan ng aral ng iba.

This is in several parts and here is part 1. 

Ang Matandang Kupas

Limang minuto ko nang pinanood mula sa bentana ng aking kwarto ang isang matandang lalaking pabalik-balik sa gate ng katapad na bahay na nasa kabilang side ng kalye. 

Mula sa kinalalagyan ko'y 'di ko masyadong makita ang kanyang histusara pero sa porma niya tiyak matanda na ito nasa lagpas 60 and edad. Maputi ang buhok niya, may kapayatanna halata sa soot niyang maluwag na maong an bughaw na t-shirt. May bitbit siyang sako-bag pero di ko matantiya kung ano ang laman.

Alam ko walang tao sa tapat dahil yong mga kapitbahay namin ay maagang umaalis sa trabaho at gabi na kung umuwi. Sa isip ko, 'kawawa naman ang matanda. Siguro kamag-anak ito ng kapitbahay namin'.

Hindi ko na pinansin baka pulubi lang o yong mga skwater sa kabilang baryo na nanghihingi ng ayuda. Aalis din yon pag wala talagang tao. Binalikan ko yong pinanood kong movie sa tablet.

Pero ng sumulyap ulit ako sa bentana, magsasampung minuto na ay naroon pa rin siya.  Nakaupo na siya sa gilid ng plant box malapit sa gate. So, na-realize ko kamag-anak nga siguro ng kapitbahay. Oras na siguro para kausapin ko. Medyo lagpas na ng ala-una ng tanghali baka wala pang kain ang matandang ito.

Lumabas ako at tinungo ang kinaroroonan niya. Habang papalapit ako'y may kinuha siyang bote ng tubig mula sa sako-bag at uminom. Dun niya ako napansin.

Tinanong ko siya kung sino hinahanap niya. Hindi siya sumagot pero pinagmasdan niya ang mukha ko. Siguro tintantiya niya kung mabuti ba akong tao at puedeng pagkatiwalaan. Uminom siya ulit mula sa bote.

Sinabi kong sa tapat ako nakatira at napansin ko siyang pabalik-balik kanina pa. Napansin ko hindi lang lagpas 60 ang matanda parang lagpas 80 yata. Sa anyo niya parang matino naman. Kupas nga ang damit niya pero malinis naman.

Pinaliwanag ko sa kanya na wala ang mag-asawang nakatira sa tapat dahil nagtatrabaho pareho at gabi na kung umuuwi. Wala ring naiwan sa bahay dahil wala naman silang anak at katulong. Merong aso sa loob pero nakatali rin ata.

Gusto niya hintayin hanggang gabi ang mag asawa. Pero parang wala pa siya kain kaya dinala ko sa bahay para kumain. Ayaw niyang pumasok dahil medyo nahihiya kaya sa may terrace ko na siya dinalhan ng pagkain.

Habang kumakain ay maluha-luha niyang ikinuwento na nag-iisang anak daw niya ang asawang babae nung kapitbahay namin. Nag-iisa na lang siya dahil patay na ang asawa niya at tanging ang anak na lang ang sumosustento sa kanya. Pero nitong lumipas daw na dalawang taon ay hindi na siya pinuntahan ng anak sa bahay nila. Minsan nagpapadala naman daw ito ng pera pero kulang sa pagkain at gamot. Wala na din daw siyang ibang kamag-anak.

Sa isip ko, ang sama naman ng anak na yon. Sa awa ko binigyan ko siya ng pera at bigas at sinabihan ko bumalik na lang sa Sabado dahil walang pasok. Pinangako ko namang sasabihin sa kapitbahay ko na dumayo siya at kausaping bisitahin naman nila ang matanda.

Laking pasalamat niya at yumakap pa sa akin bago umalis.

Sa Sabado, kakausapin ko ang mga kapitbahay ko. Promise ko yon sa kanya at sa sarili ko.


No comments:

Post a Comment