(Link to part 1: Click Here)
Sabado ng umaga, naalala ko ang promise ko kay Manong na kakausapin ko ang mag-asawang kapitbahay. Umalis si Misis papuntang Cebu at sa Lunes pa ang balik niya kaya wala akong mapagsabihang iba o isasama man lang para moral support. So, nang mapansin kong dumating na sila ay agad-agad akong lumabas at nag doorbell ako sa gate.
Medyo na-surprise si Lisa (hindi totong pangalan) ng makita ako sa gate. Kasunod naman niya si Mister (itago na natin sa pangalang Mario) na kumaway nang makita ako
Medyo sampung taon na kaming magkapitbahay pero dalawang taon pa lang kaming nagkakilala dahil nasa abroad ako habang itinayo ang bahay namin. Si misis ang nag asikaso sa bahay habang nagtatrabaho ako. Di rin kami masyadong nag-uusap nagkakilala lang kami dahil magkasbay kami palagi pag may homeowners meeting sa village namin. Hindi naman exclusive ang sub-division na tinitirhan namin pero mayroon kaming sariling homeowners association.
Hindi ko halos mailabas ang aking sadya dahil parang nahihiya ako. Pinangunahan ng paghuhusga sa pagkatao ni Lisa ang nasa kalooban ko. Inisip ko kung anong uring tao ang nagpapabaya ng isang magulang. Kung kaya niyang hindi bisitahin ang ama niya, baka kaya rin niya akong sumabatan at sabihang wala akong pakialam.
Baka sadya talagang kalimutan na lang ni Lisa ang matanda upang hindi maabala. Pero ganunpaman at nangako ako kaya sinabi ko na ang nangyari noong nagdaang araw.
Manghang pareho ang mag-asawa sa sinabi ko. Pati ako mangha din ng marinig ang mga sagot nila.
Wala na palang magulang si Lisa o si Mario dito sa Pilipinas dahil parehong nasa abroad ang parents nila.
Si Lisa ay anak pala ng isang Veteran na naging US citizen na at hindi siya solong anak. Dalawa silang magkakapatid at ang kapatid niyang lalaki ay isang US Marines.
Si Mario naman ay ulila sa ama. Ang ina niya ay nasa US na rin dahil nakapag-asawa ulit ng isang Amerikano. Si Mario ang siyang solong anak.
Nalilito ako. So, sa isip ko, baka ulyanin na ang matandang iyon at hindi na niya matandaan ang bahay ng anak niya.
Tinanong ako ni Mario kung anon ang pangalan ng matanda o kung nakuha ko ba ang pangalan. Sinabi ko naman Jose ang pangalan ng matanda.
Ang pinakamalaking shock na nalaman ko ay nang sabihin ni Mario na Jose and pangalan ng tatay ng asawa ko.
At bakit hindi nga ako ma-shock e, wala namang pinakilalang magulang si Misis sa akin dahil sabi niya patay na ang mga magulang niya. And what in the whole earth na makilala pa ito ni Mario kaysa sa akin.
I was really, shocked at ibang anggulo naman ang naglalaro sa isipan ko. Baka tatay ni Misis yon na inilihim lang niya sa akin. Nalilito ako, at si Misis ko lang ang makapagsabi ng katotohanan.
Pero sa puntong ito, isang aral ang napulot ko. Mali ang maghusga kaagad bago mapakinggan ang buong storya kaya ayoko munang husgahan ang asawa ko.
Sa Lunes pagdating niya kakausapin ko siya.
No comments:
Post a Comment